Tuesday, November 9

SAPAT NA NGA | NI ka Emil Makabuluhan

sapat nang malanghap ang hangng sariwa
hayaang lumipad lumaya ang diwa
sapat nang makarating sa paroroonan
nang hindi binabagabag ng anumang agam-agam

sapat nang makapiling ang mapag-unawang pamilya
at kapalit nito'y manatili sa batayang masa
sapat nang mapagingatan ang kasamang maaasahan
na nariyan sa iyong tabi ikaw ma'y luhaan

sapat nang malamnam ang tiyan isang beses sa isang araw
may kanin, asin at konting sabaw
sapat nang mapunan ang pagkukulang
nang isang ngiti basta't bukal sa kalooban

sapat nang minsa'y masilip ang ganda ng mundo
ito ma'y likas o gawa ng tao
sapat anag makasalamuha sa ibang nilalang 
malayang makapagpahayag ng hindi naiilang

sapat nang hindi makulong sa masikip na mundo
at baguhin ito sa kalagayang maka-tao
 sapat makitang may ngiti sa mga labi
ang mga tao sa lipuna'y laging isinasantabi

sapat nang mamuhay ng may paggalang
nang hindi tanging pera ang isinasaalang-alang
sapat nang ang mga ito'y makamtan
at ang pagkapantay pantay ang isinasaalang alang

sapat na nga, sapat na nga, sapat na nga... 

No comments:

Post a Comment