Tuesday, November 9

MAGSASAKA, BUMANGON KA! | ka emil makabuluhan

Magsasaka'y ipininid sa seldang malamlam  


karit ang hawak, pang-gapas sa palayan
sa kakarampot na sahod, siya'y nagtitiis
siayam na piso't limampung sentimo, kanyang tinitipid


Mga Haciendero't haciendera'y walang pakielam
sa pasubali ng magsasaka, sila'y hindi pinakinggan
ngunit nang ang dayuhan ang pumasok sa kanayunan
pagpapalit-gamit sa lupa'y kanilang isinaalang-alang


dugo, pawis at buhay ang inalay ng magsasaka
upang tugunin ang pangangailangan ng azucarera
sa tabacalerang sila ang pinagtatanim
mapupunta lamang sa kamay ng dayuhan ang kanilang aanihin


panahon na upang kayong magsasaka'y lumaban
sa estado't bayan nating mapanlinlang
REBOLUSYON PANG-AGRARYO ang kailangan natin sa laban
upang ang hacienda'y mabawi natin sa ilang naghahari-harian
  
 

No comments:

Post a Comment