I.sa gitna ng dilim
ay napaka-alinsangan na paligid
sa gitna ng gulo
ay may nakadapo pa ring paru-paro
II. sa pagrikit ng kalangitan
ay nagkakaroon ng paninindigan
sa pagpula ng silanganan
ay nakakamit na ang kalayaan
III. sa panahon ng paghihimagsik
ay may luha nang kalakip
sa panahon ng kabalintunaan
ay may pakikibakang nahahadlangan
IV. sa nalalapit na pagpula ng silanganan
ay kalayaan ang ipinaglalaban
sa pagkamit ng kalayaan
ay ay bayang patuloy na nagmamahal
No comments:
Post a Comment