Saturday, November 13

daang matuwid: biyahe saan? ewan? | ni emil makabuluhan

kung saan saan na ako nagpabaling baling ang aking paningin, ngunit ang daang matuwid ay nasaan pa rin? may nakikita ba kayo? o baka naliligaw na ng landas ang pagulo ninyong nangako ng daang matuwid sa inyo? sa tingin ko ay naligaw na ng landas ang inaasahan ninyong pagulong magbabago sa pilipinas, ayun, kausap si bill Clinton, tungkol daw sa globalisasyon, ngunit ang totoo naman ay nag-usap sila tungkol sa pag-eextend ng Visiting Forces Agreement dito sa Pilipinas. ano ba talaga iyang presidente ninyo na ang sabi sa kanyang inaugural address na "KAYO ANG BOSS KO". ngunit anong nagyari sa inyo, patuloy na dinudustay n rehimeng US-Aquino ang karapatan ng mga mamamayan at ang masang api na pilit pinahihirapan ng sistema ng lipunang ito. maraming isyu na ang ipinapataw ng mamamayan sa Administrasyon US-Aquino  tulad ng tungkol sa pagbasura ng Select Distribution Option (SDO) at comprehensive agrarian reform program extension with reforms (CARPER) na matagal nang hinihiling ng mga magsasaka na ibasura na, ipamigay na sa kanila ang lupa ng hacienda luisita at ipasa ang tunay na batas para sa mga magsasaka na may katawagang House Bill 374 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB), ikalawa ay ang isyu tungkol sa pagbawas ang alokasyong badyet sa edukasyon para sa State Universities and Colleges ( SUC's) na ang perang gagamitin daw ay ilalaan sa militar at pambayad utang sa pesteng International Monetary Fund- World Bank upang unti unti daw mabawasan ang utang natin, saan ba napupunta ang inuutang ng ating pamahalaan sa IMF- World Bank? e di syempre sa bulsa lamang nila at wala nang iba pa, bakit magkakaron ang militar? e di ba malaki na nag  kanilang badyet? anu ba ang gustong pagbabago ng ating pamahalaan? pagbabagong idinadaan sa digmaan? hindi natn kailangan ng digmaan, ang kailangan natin ay mapalitan ang sistema ng lipunan at magtayo ng gobyernong bayan na tunay na makikinig sa karaingan ng masang api. ikatlo, ay ang isyu tungkol sa pagdadagdag ng 2 tao sa elementarya at hayskul, sa anung dahilan? gusto ba atalagang magpaka-tuta ng ating paahalaan sa imperyalistang US na kung saan ay 12 taon ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa elementarya at hayskul. hindi kami tanga tulad mo Presidente NGOYNGOY AQUINO, hindi kami gago tulad mo,  Presidente NGOYNGOY AQUINO, at lalong hindi tanga ang masa sa pinaggagawa mong pakiwari, NGOYNGOY AQUINO, sabi nga ng isang principal sa isang hayskul sa Quezon City, "10 YEARS IS ENOUGH!", tama nga namang tama na ang sampung taon upang makapag-aral ang mga kabataan sa elementarya at hayskul. kaya nga alapit na, malapit ka nang umalis sa pwesto at sa palasyo, kapag nagngitngit ang mamamayan sa iyo, siguradong hindi magpapapigil ang puso nag-aalab sa galit ng paglaban at pakikibaka at malay mo mapatalsik ka namin sa paraan kung paano nanalo ang iyong ina noong kapanahunan niya...kung sa PEOPLE POWER NANALO ANG IYONG INA, NGAYON, IKAW NA ANAK NIYA, SA PEOPLE POWER NAMIM MAPAPABAGSAK MULA SA MGA TALA! 

No comments:

Post a Comment