Sunday, December 12

pag-ibig nga naman ni: ka angelo madarang

...bakit ganyan ang pag-ibig?
...minsan, magulo 
...minsan naman ay nakakainis
...pero ang mahalaga ay may pag-ibig na sumibol sa gitna ng kahirapan ng buhay

masaya ang magmahal
ngunit malungkot kapag ikaw ay iniwan
ng taong higit na minamahal mo
at inibig mo na ng lubusan

ganun ang buhay
na kahit ang BEST FRIEND mo 
ang iyong mamahalin
ng paghabambuhay

marami man ang nangyayari
ngunit ang pag-ibig ko ay hindi nawawala
kahit sa pagdating ng wakas ng panahon 
nandirito ka pa rin sa puso't isip ko!

Saturday, November 13

daang matuwid: biyahe saan? ewan? | ni emil makabuluhan

kung saan saan na ako nagpabaling baling ang aking paningin, ngunit ang daang matuwid ay nasaan pa rin? may nakikita ba kayo? o baka naliligaw na ng landas ang pagulo ninyong nangako ng daang matuwid sa inyo? sa tingin ko ay naligaw na ng landas ang inaasahan ninyong pagulong magbabago sa pilipinas, ayun, kausap si bill Clinton, tungkol daw sa globalisasyon, ngunit ang totoo naman ay nag-usap sila tungkol sa pag-eextend ng Visiting Forces Agreement dito sa Pilipinas. ano ba talaga iyang presidente ninyo na ang sabi sa kanyang inaugural address na "KAYO ANG BOSS KO". ngunit anong nagyari sa inyo, patuloy na dinudustay n rehimeng US-Aquino ang karapatan ng mga mamamayan at ang masang api na pilit pinahihirapan ng sistema ng lipunang ito. maraming isyu na ang ipinapataw ng mamamayan sa Administrasyon US-Aquino  tulad ng tungkol sa pagbasura ng Select Distribution Option (SDO) at comprehensive agrarian reform program extension with reforms (CARPER) na matagal nang hinihiling ng mga magsasaka na ibasura na, ipamigay na sa kanila ang lupa ng hacienda luisita at ipasa ang tunay na batas para sa mga magsasaka na may katawagang House Bill 374 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB), ikalawa ay ang isyu tungkol sa pagbawas ang alokasyong badyet sa edukasyon para sa State Universities and Colleges ( SUC's) na ang perang gagamitin daw ay ilalaan sa militar at pambayad utang sa pesteng International Monetary Fund- World Bank upang unti unti daw mabawasan ang utang natin, saan ba napupunta ang inuutang ng ating pamahalaan sa IMF- World Bank? e di syempre sa bulsa lamang nila at wala nang iba pa, bakit magkakaron ang militar? e di ba malaki na nag  kanilang badyet? anu ba ang gustong pagbabago ng ating pamahalaan? pagbabagong idinadaan sa digmaan? hindi natn kailangan ng digmaan, ang kailangan natin ay mapalitan ang sistema ng lipunan at magtayo ng gobyernong bayan na tunay na makikinig sa karaingan ng masang api. ikatlo, ay ang isyu tungkol sa pagdadagdag ng 2 tao sa elementarya at hayskul, sa anung dahilan? gusto ba atalagang magpaka-tuta ng ating paahalaan sa imperyalistang US na kung saan ay 12 taon ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa elementarya at hayskul. hindi kami tanga tulad mo Presidente NGOYNGOY AQUINO, hindi kami gago tulad mo,  Presidente NGOYNGOY AQUINO, at lalong hindi tanga ang masa sa pinaggagawa mong pakiwari, NGOYNGOY AQUINO, sabi nga ng isang principal sa isang hayskul sa Quezon City, "10 YEARS IS ENOUGH!", tama nga namang tama na ang sampung taon upang makapag-aral ang mga kabataan sa elementarya at hayskul. kaya nga alapit na, malapit ka nang umalis sa pwesto at sa palasyo, kapag nagngitngit ang mamamayan sa iyo, siguradong hindi magpapapigil ang puso nag-aalab sa galit ng paglaban at pakikibaka at malay mo mapatalsik ka namin sa paraan kung paano nanalo ang iyong ina noong kapanahunan niya...kung sa PEOPLE POWER NANALO ANG IYONG INA, NGAYON, IKAW NA ANAK NIYA, SA PEOPLE POWER NAMIM MAPAPABAGSAK MULA SA MGA TALA! 

Tuesday, November 9

HIMLAY | ni ka emil makabuluhan

narito ang lahat
handa nang kumilos
ngunit ang liwanag ay naupos
ng mga imperyalistang ganid at paragos

rehas natin himlayan
na walang susi
dinudustay ng sistemang bulok
ng mga haciendero't PANOT

lupang minana
sa ninuno nating sinisinta
ngayo'y ubos na
inubos na parang kanin ng mga ikapitalista

bumangon na sa pagakagupiling
masang api, ika'y makidigmang lubos
at kapag napagtagumpayan ang digma
lipunan nati'y tiyak na lalaya!

MASSES WITHIN | by comrade angelo madarang

in the heart of the masses
lies an act of nationalism
and dialectical materialism
that clings a bio ethnical mind

within the masses
they where quenching and raising their fists
unto the minds of the children
that they've didn't know what they've doing

the chains of sorrow
is carrying their conscience
and consciousness within
breaking the chains into pieces

imperialistic minds
that can be bunged
and can be eligible change
by striving for the true freedom!

ORAS NA! | ka emil makabuluhan

baya'y nakatali sa tanikala ng kahapon
na kailangang lagutin ng bayan
upang ika'y tumayo sa pagkatugatog
sa masa mong iniirog

Oras na, O bayan, kumilos na
tahakin mo ang tunay na landas
ng mga proletaryado't makabayan
upang ang bayan ay manalo sa tuwina

sa pagkasubasob ng isipan mo
kailanagan mo itong itndig hanggang sa dulo
upang ang tanikala'y malagot
sa pagkakahawak ng mga nanghihimasok

rebolusyon ang kailangan
upang ang masa ay magwagi ngayon
bukas, pagpula ng silangan
ay may uusbong na kalayaan sa bayan!!

PALAYAIN!! (para sa kalayaan ng MORONG 43!) | ka emil makabuluhan

o bayan, kailan ka ba lalaya
lalaya sa kamay ng mga ganid
na kahit ang mga taong tumtulong sa masa
ay naaapektuhan ng kabalintunaan ng lipunan

Bigyan mo ng pansin, O bayan naming mahal
ang mga tao na biktima ng karahasan ng lipunan
mga tao na nasa likod ng rehas na bakal
at nakagapos ng mga tanikalang di mo na mapipigtal

Palayain ang mga manggagawang pangkalusugan
na silay patuloy na lumalaban para sa bayan
isama mo na sina MORONG at SELDA
na mga musmos ng rehas na bakal na kanilang pinagmulan

katarungan para sa kanila
at sa iba pang DESAPARECIDOS na mahal ng masa
upang kanilang muling makapiling
ang kanilang mga mahal sa buhay!!!

-FREE THE 43!

MAGSASAKA, BUMANGON KA! | ka emil makabuluhan

Magsasaka'y ipininid sa seldang malamlam  


karit ang hawak, pang-gapas sa palayan
sa kakarampot na sahod, siya'y nagtitiis
siayam na piso't limampung sentimo, kanyang tinitipid


Mga Haciendero't haciendera'y walang pakielam
sa pasubali ng magsasaka, sila'y hindi pinakinggan
ngunit nang ang dayuhan ang pumasok sa kanayunan
pagpapalit-gamit sa lupa'y kanilang isinaalang-alang


dugo, pawis at buhay ang inalay ng magsasaka
upang tugunin ang pangangailangan ng azucarera
sa tabacalerang sila ang pinagtatanim
mapupunta lamang sa kamay ng dayuhan ang kanilang aanihin


panahon na upang kayong magsasaka'y lumaban
sa estado't bayan nating mapanlinlang
REBOLUSYON PANG-AGRARYO ang kailangan natin sa laban
upang ang hacienda'y mabawi natin sa ilang naghahari-harian
  
 

YOUTH OF THE WORLD, UNITE!

FIGHT! STRIVE FOR CHANGE
SO THAT THE WORLD WILL ACCOMPANY YOU
DERIVING AND DEPRIVING FOR SELF- MANIFESTATION
IMAGINING ALL THINGS WILL BE GREAT


SUBMERGED MY THE IMPERIALISTIC BEHAVIOR
TRYING TO THINK WHAT IS GOOD
WHAT IS RIGHT TO SEE
AND WHAT IS PLEASING TO HEAR
 

THE MASSES HAVE GONE WITH THE STREETS
FIGHTING FOR TRUE FREEDOM AND SOLIDARITY
EVEN THE FEUDAL LORDS
DE PLATED FOR CLINKING EVERY OTHER'S WAY


FIGHT FOR THE OPPRESSED
FIGHT FOR RATIONAL AND NATIONAL CHANGE
AND THEN, THE STREETS AND THE ROAD ARE OPEN WIDE
AND THEY HAPPILY SHOUTING AND SAYING
"YOUTH OF THE WORLD, UNITE!"
  

sa gitna ng daang matuwid.... | ni ka emil makabuluhan

marami ang nangako ng daang matuwid,
ngunit marami pa ring hindi nakatatamasa nito.
nasaan ba ang daang matuwid?
makikita mo ba ito sa kalagayan ng sambayanan
o para lamang ito sa mga mapagsamantalang uri.


sa gitna ng daang matuwid
ay may malubak na pagkakataon
maaari ka matisod ngunit kailangan mong bumangon
upang ipagpatuloy ang pakikibakang iyong sinimulan


malapit na....

malapit na....

malapit na....
 

kung kailan na malapit ka na sa daang matuwid
ay may pilit na humahadlang dito
kaya kailangan mong lumaban at makibaka
upang marating iyon tulad ng isang magsasakang
nagbubuhos ng pawis at dugo upang mapakain niya ang kanyang nasasakupan...
 
 

PARA KAY PRESIDENT Benigno Simeon "P-Noy" C. Aquino III | ni ka emil makabuluhan

...asahan mo

na sa araw ng iyong inagurasyon  

 ay hindi ako pupunta  

tulad ng maraming maralitang pilipino

na nagdaranas ng kahirapan

hanggang ngayon mula sa

liderato ng adminstrasyong arroyo  

ako na lamang ay makikibalita sa telebisyon

ng aking mga kapitbahay

na naghihikahos para sa kanilang ikabubuhay

 upang mapakain ang kani-kanilang mga pamilya  

ngayon, sa panahong ito

ay panahon na ng pagbabago

ikaw man ay isang

'MODELO NG PAMBANSANG PAGBABAGO"!

 ay maraming masa pa rin ang lalaban  

at makikibaka para sa pambansang demokrasya
*****************************************************************

kay kung ako sa iyo

PRESIDENT BENIGNO SIMEON "P-Noy" C. AQUINO III  

panahon na para baguhin mo ang sistema

na umiiral sa ating bansa ngayon

tuparin mo ang iyong pangako na ibibigay ang lupa

ng buong HACIENDA LUISITA

sa mga magsasaka at magtutubo

ng tarlac at mga karatig-probinsya nito

at baguhin mo rina ng sistema mula sa

MALA-KOLONYAL AT MALA-PYUDAL NA LIPUNAN

patungo sa

PROLETARYADO AT SOSYALISTANG LIPUNAN!
 

"SA PAG-IGTING NG KAMALAYAN PART 2" | ni ka emil makabuluhan

sa gitna ng kadiliman
ay may sumusibol pa ring liwanag 
liwanag ng pag-ibig sa bayan
sa gitna ng bayang minamahal 

pataasin ang kamalayan
tungkol sa katotohanan sa lipunan
lipunang mainit sa mata 
ng mga dayuhang imperyalista

durugin ang kamalian
tungkol sa sandaling marikit
katahimikang ng masang api
durugin para sa paglaban

basagin ang kaisipang maka-gobyerno 
kaisipang rebolusyunaryo ang kamtin
upang lipunan ay mag-ibayo
patungong sosyalistang bansa............ 

sa pag-igting ng kamalayan | ni ka eml makabuluhan

I.sa gitna ng dilim 
ay napaka-alinsangan na paligid
sa gitna ng gulo
ay may nakadapo pa ring paru-paro

II. sa pagrikit ng kalangitan
ay nagkakaroon ng paninindigan
sa pagpula ng silanganan
ay nakakamit na ang kalayaan

III. sa panahon ng paghihimagsik
ay may luha nang kalakip
sa panahon ng kabalintunaan
ay may pakikibakang nahahadlangan

IV. sa nalalapit na pagpula ng silanganan
ay kalayaan ang ipinaglalaban 
sa pagkamit ng kalayaan
ay ay bayang patuloy na nagmamahal

SAPAT NA NGA | NI ka Emil Makabuluhan

sapat nang malanghap ang hangng sariwa
hayaang lumipad lumaya ang diwa
sapat nang makarating sa paroroonan
nang hindi binabagabag ng anumang agam-agam

sapat nang makapiling ang mapag-unawang pamilya
at kapalit nito'y manatili sa batayang masa
sapat nang mapagingatan ang kasamang maaasahan
na nariyan sa iyong tabi ikaw ma'y luhaan

sapat nang malamnam ang tiyan isang beses sa isang araw
may kanin, asin at konting sabaw
sapat nang mapunan ang pagkukulang
nang isang ngiti basta't bukal sa kalooban

sapat nang minsa'y masilip ang ganda ng mundo
ito ma'y likas o gawa ng tao
sapat anag makasalamuha sa ibang nilalang 
malayang makapagpahayag ng hindi naiilang

sapat nang hindi makulong sa masikip na mundo
at baguhin ito sa kalagayang maka-tao
 sapat makitang may ngiti sa mga labi
ang mga tao sa lipuna'y laging isinasantabi

sapat nang mamuhay ng may paggalang
nang hindi tanging pera ang isinasaalang-alang
sapat nang ang mga ito'y makamtan
at ang pagkapantay pantay ang isinasaalang alang

sapat na nga, sapat na nga, sapat na nga... 

AKTIBISO SA PANAHON NI AQUINO | NI KA Emil Makabuluhan

aktibista ka ba? kung ang maikli mong sagot ay oo. maikli rin ang kasunod kong tanong: bakit?

ano pa ba ang lugar ng aktibismo kung popular na ang Pangulo? bakit kailangan pang dalhn ang iyong isyu sa lansangan kung mayroon daw pamahalaang handang makinig sa karaingan ng mamamayan?

kung estudyante ka't patuloy na pakikibaka ng iyong magulang an pagbabayad ng matrikula, hindi ba't dapat na tutukan mo na lang ang iyong mga gawain sa paaralan? kung nagtatrabaho ka na, hindi ba't nararapat na unahin mo an pangangailangan ng iyong pamilya? aksaya lang daw an pagkilos dahil ang pagbabago'y narito na, salamat sa ating mga balota.

 may konteksto ang bawat pagkilos at ang pagkontra'y hindi na raw angkop sa panahon ngayon. wala na raw tayo sa dekada 70 kung saan namamayani ang diktadura ni dating Panulong Ferdinand Marcos. tapos na ang tiwaling administrasyon nina dating Pangulo Erap Estrada (1998-2001) at Gloria Macapagal-Arroyo. nabubuhay na daw tayo sa daang matuwid, salamat kay Pangulong Noynoy Aquino.

panahon na raw para itago ang mga plakard. biro nga ng iba, dapat na nga raw sunugin ang mga ito tulad ng sanlaksang effigy ng nakaraan. panahon na raw para sa naiibang pagbabago. lipas na kasi ang aktibismo.

ano ngayon ng patuloy ang pampulitika na pamamaslang? ang 16 na aktibistang pinatay mula nung manungkulan si Pangulong Aquino ay kagagawan hindi ng huli kund ng nais mapabagsak sa admistrasyon niya. ay nagsasabi pangang kagagawan ito ng mga komunista.

ano ngayon ung patuloy na nakakulon ang tinaguriang MORONG 43? pinag-aaralan naman daw ang kaso nila, at inuuna lamang ang grupon MAGDALO na bigyan ng amnestiya.

ano ngayon kung may planong pagliit ng alokasyon sa pabansang badyet  sa 2011 para sa state universities and colleges (SUCs)? Malinaw sa mga datos na tumaas naman ang badyet para sa elementarya’t hayskul kaya prayoridad pa rin daw ng administrasyong Aquino ang edukasyon.

Oo, nariyan pa rin ang mga problema ng bayan pero unti-unti naman daw natutugunan ang mga ito. Kailangan lang nating habaan ang ating pasensiya. Wala pa raw isang taon ang bagong pamahalaan kaya walang karapatan ang mga kumokontrang maghusga.

Ang popularidad ba ni Pangulong Aquino ay pangunahing salik sa pananahimik? Kailangang isakonteksto natin ang napaulat na +60 net satisfaction rating ni Pangulong Aquino noong Setyembre 2010. Nagsisimula pa lang siyang manungkulan at normal para sa bagong Pangulong bigyan ng mataas na kumpiyansa ng nakararaming mamamayan. Basahing mabuti ang datos mula sa Social Weather Stations (SWS): “For comparison, the initial net satisfaction ratings obtained by past presidents were: Pres. Cory Aquino, +53 in March 1986; Pres. (Fidel) Ramos, +66 in September 1992; Pres. Estrada, +60 in September 1998; and Pres. Arroyo, +24 in March 2001, and +26 in June 2004.” Malinaw na kung iuugnay sa inisyal na grado ng mga dating Pangulo, lumalabas pa ngang si Ramos ang may pinakamataas na net satisfaction rating mula noong 1986. Kahit ang pinatalsik na si Estrada’y may kaparehong net satisfaction rating sa kasalukuyang Pangulo! 

Kahit wala pang isang taon si Pangulong Aquino, sapat na ang unang 100 araw niya mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 8 para magkaroon ng ideya sa pangkabuuang direksiyon ng kanyang pamamahala. Ang sinasabing “daang matuwid” ay tungo sa globalistang hangarin. 

Oo, walang masama sa globalisasyon, kung ikaw ay nabibilang sa nakatataas na uri ng ating lipunan. Pero malinaw sa napakaraming pag-aaral ang negatibong epekto ng globalisasyon sa mahihirap – kawalan ng subsidyo mula sa gobyerno, maliit na suweldo, kawalan ng kaseguruhan sa trabaho, pagbaha ng mga imported na produkto, pagpatay sa agrikultural na produksyon. Napakahaba ng listahan ng masamang kahihinatnan, pero pilit na sinasagot ito ng mga nasa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang teknikal na termino – safety nets

Simple lang naman ang lohika ng safety nets sa konteksto ng globalisasyon. Maaaring masagasaan ang interes ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang sektor basta’t siguraduhin lang na mabibigyan sila ng alternatibong kabuhayan. Sa unang tingin, walang masama rito. Pero katulad ng relokasyon sa mga maralitang tagalungsod na biktima ng demolisyon, hindi isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga nasagasaan dahil sila ay napupunta sa sitwasyon ng kawalan.

Ang ganitong linya ng argumento ng gobyerno’y makikita rin sa planong pagpapatuloy ng Oplan Bantay Laya (OBL) na siyang ugat, ayon sa mga aktibista, ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pulitikal na pamamaslang at walang-batayang pag-aaresto’t pagpapakulong. Ano ba ang sabi ng mga nasa kapangyarihan? Sa ilalim ng administrasyong Aquino, ang ipinapatupad ng militar diumano ay isang counter-insurgency program na ginagalang ang karapatang pantao. Paano kaya ipapatupad ito? Kung gagamit ng isang salita sa wikang Ingles, hindi ba’t ito ay isang oxymoron? 

Kung babalikan ang prinsipyo ng globalisasyon, halatang-halata rin ang balangkas ng pribatisasyon sa paliwanag ng pamahalaan kung bakit mababa ang badyet sa SUCs. Hindi raw tulad ng mga paaralan sa elementarya’t hayskul, makakaya raw kasi ng SUCs na pataasin ang kanyang kita sa iba pang paraan. Alam mo na ang tinutukoy ng mga nasa kapangyarihan – pagtataas ng matrikula, pagpaparenta ng mga pasilidad sa mga negosyante at iba pang moda ng komersiyalisasyon ng edukasyon.


Aktibista ka ba? Sa panahon ng diumanong daang matuwid, hindi lang maikling sagot na oo ang dapat ibigay. Kailangan ang mahabang paliwanag kung bakit ang pagkilos ay patuloy na may saysay.
  

Saturday, October 9

LUPA AT AHCEINDA LUISITA

Nalalapit na ang ika-100 araw mo sa pwesto
Panot na abnoy na anak ni Ninoy
na pati ang lupa ng Hacienda Luisita ay iyong ipinagkakait
Sa mamamayan na tunay na may-ari ng lupang anilang sinasaka sa ngayon

Malapit na, malapit na, malapit na
Angg pagtutuos natin at ng sambayana
Isama mo na ang tuta na nasa palasyo
at ang pandak na nasa kongreso

Labing-apat na aktibista na ang pinapatay mo, Loko
Ngunit patuloy kaming darami nang darami
upang baguhin ang sistema ng lipunang ito
at kamtin ang tunay na demokrasya at kalayaan

Hacienda Luisita, ipamahagi mo na sa mga magsasaka
at ang CARPER ay ibasura na
Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa
House Bill 374, iyong isabatas

Hoy, hoy, hoy
Panot na abnoy na anak ni Ninoy
Tapusin mo na ang maliligayang araw mo diyan sa malacaƱang
Dahil kapag ang masa ay magalit sa iyo
Siguradong sa kangkungan ang bagsak ng Adminstrasyon mo

Lupa, lupa, lupa
Ang sigaw ng magsasaka at manggagawang bikid ng Hacineda Luisita
Ngunit ano ang ibinigay mo
SDO at Compromise Deal sa Pagitan niyo at ng mga bayaran niyo

Umento sa Sahod, ang Sigaw ng Manggagawa
Upang ang kanilang pang araw-araw na pagkain at iba pa ay kanilang matustusan
Ayaw namin budget cut sa education budget, ang panawagan ng kabataang makabayan
Dahil ito'y gagamitin lamang sa huwad na digmaan

Malapit na, malapit na, malapit na
Malapit na ang pang-100 araw mo
Malapit ka nang umalis sa palasyo
at ang masa ang papalit sa iyong pweto
PANOT NA ABNOY NA ANAK NI NINOY AT CORY AQUINO!!!!

HINDI LAHAT NG DILAW AY BAYANI!
EDUCATION BUDGET, DAGDAGAN, WAG BAWASAN!
P125, ACROSS THE BOARD, NATIONWIDE!!!!

- KASAMANG ANGELO MADARANG