Thursday, December 22

...SENDONG...


mga kasama, mga kababayan...


isang mapagpalayang araw muli sa inyo!



alam naman nating malapit na ang pasko ngunit 
ano ang ginagawa ng ating pamahalaan sa ngayon?... 
pinababayaan ang mga masa sa gitna ng mga kalamidad at sakuna...
mahilig lamang siya sa mga "photo-ops".
ganyan ba ang pangulo na may "matuwid na daan"?

kaya muli mga kasama mga kababayan...
kahit panahon ng kapaskuhan ay sama-sama tayong 

kumilos para sa katarungan sa mga biktima ng bagyong SENDONG 
at supilin ang pagpapabaya ng ating administrasyon sa gitna ng mga kalamidad...


ILAN PA BA ANG DAPAT MAMATAY..
ILAN PA BA ANG MGA MASANG MAGBUBUWIS NG BUHAY..
ILAN PA BA ANG DAPAT MAWALA..
ILAN PA BA ANG DAPAT MALIBING NG BUHAY..


KAILAN PA BA KIKILOS ANG GOBYERNONG ITO?..
KAILAN PA BA KIKILOS ANG PANGULONG ITO?
KAILAN PA BA KIKILOS ANG MGA TAONG NASA LOOB NG GOYERNO?
KAILAN PA BA KIKILOS ANG MGA NASA PALASYO?


KAPAG UBOS NA ANG MGA MAMAMAYANG PILIPINO
KAPAG UBOS NA ANG MGA BUMUBUHAY DITO
KAPAG UBOS NA ANG MGA TAONG NAGSISIKAP NA MAGING MATIWASAY
KAPAG UBOS NA ANG LAHAT NG MGA NABUBUHAY


KUMILOS KA NA, KAPATID
KUMILOS KA NA, KASAMA
KUMILOS KA NA AT MAKIBAKA
KUMILOS KA NA PARA SA BUKAS NA MAGANDA....


panahon na, mga kasama!

Sunday, December 12

pag-ibig nga naman ni: ka angelo madarang

...bakit ganyan ang pag-ibig?
...minsan, magulo 
...minsan naman ay nakakainis
...pero ang mahalaga ay may pag-ibig na sumibol sa gitna ng kahirapan ng buhay

masaya ang magmahal
ngunit malungkot kapag ikaw ay iniwan
ng taong higit na minamahal mo
at inibig mo na ng lubusan

ganun ang buhay
na kahit ang BEST FRIEND mo 
ang iyong mamahalin
ng paghabambuhay

marami man ang nangyayari
ngunit ang pag-ibig ko ay hindi nawawala
kahit sa pagdating ng wakas ng panahon 
nandirito ka pa rin sa puso't isip ko!

Saturday, November 13

daang matuwid: biyahe saan? ewan? | ni emil makabuluhan

kung saan saan na ako nagpabaling baling ang aking paningin, ngunit ang daang matuwid ay nasaan pa rin? may nakikita ba kayo? o baka naliligaw na ng landas ang pagulo ninyong nangako ng daang matuwid sa inyo? sa tingin ko ay naligaw na ng landas ang inaasahan ninyong pagulong magbabago sa pilipinas, ayun, kausap si bill Clinton, tungkol daw sa globalisasyon, ngunit ang totoo naman ay nag-usap sila tungkol sa pag-eextend ng Visiting Forces Agreement dito sa Pilipinas. ano ba talaga iyang presidente ninyo na ang sabi sa kanyang inaugural address na "KAYO ANG BOSS KO". ngunit anong nagyari sa inyo, patuloy na dinudustay n rehimeng US-Aquino ang karapatan ng mga mamamayan at ang masang api na pilit pinahihirapan ng sistema ng lipunang ito. maraming isyu na ang ipinapataw ng mamamayan sa Administrasyon US-Aquino  tulad ng tungkol sa pagbasura ng Select Distribution Option (SDO) at comprehensive agrarian reform program extension with reforms (CARPER) na matagal nang hinihiling ng mga magsasaka na ibasura na, ipamigay na sa kanila ang lupa ng hacienda luisita at ipasa ang tunay na batas para sa mga magsasaka na may katawagang House Bill 374 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB), ikalawa ay ang isyu tungkol sa pagbawas ang alokasyong badyet sa edukasyon para sa State Universities and Colleges ( SUC's) na ang perang gagamitin daw ay ilalaan sa militar at pambayad utang sa pesteng International Monetary Fund- World Bank upang unti unti daw mabawasan ang utang natin, saan ba napupunta ang inuutang ng ating pamahalaan sa IMF- World Bank? e di syempre sa bulsa lamang nila at wala nang iba pa, bakit magkakaron ang militar? e di ba malaki na nag  kanilang badyet? anu ba ang gustong pagbabago ng ating pamahalaan? pagbabagong idinadaan sa digmaan? hindi natn kailangan ng digmaan, ang kailangan natin ay mapalitan ang sistema ng lipunan at magtayo ng gobyernong bayan na tunay na makikinig sa karaingan ng masang api. ikatlo, ay ang isyu tungkol sa pagdadagdag ng 2 tao sa elementarya at hayskul, sa anung dahilan? gusto ba atalagang magpaka-tuta ng ating paahalaan sa imperyalistang US na kung saan ay 12 taon ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa elementarya at hayskul. hindi kami tanga tulad mo Presidente NGOYNGOY AQUINO, hindi kami gago tulad mo,  Presidente NGOYNGOY AQUINO, at lalong hindi tanga ang masa sa pinaggagawa mong pakiwari, NGOYNGOY AQUINO, sabi nga ng isang principal sa isang hayskul sa Quezon City, "10 YEARS IS ENOUGH!", tama nga namang tama na ang sampung taon upang makapag-aral ang mga kabataan sa elementarya at hayskul. kaya nga alapit na, malapit ka nang umalis sa pwesto at sa palasyo, kapag nagngitngit ang mamamayan sa iyo, siguradong hindi magpapapigil ang puso nag-aalab sa galit ng paglaban at pakikibaka at malay mo mapatalsik ka namin sa paraan kung paano nanalo ang iyong ina noong kapanahunan niya...kung sa PEOPLE POWER NANALO ANG IYONG INA, NGAYON, IKAW NA ANAK NIYA, SA PEOPLE POWER NAMIM MAPAPABAGSAK MULA SA MGA TALA! 

Tuesday, November 9

HIMLAY | ni ka emil makabuluhan

narito ang lahat
handa nang kumilos
ngunit ang liwanag ay naupos
ng mga imperyalistang ganid at paragos

rehas natin himlayan
na walang susi
dinudustay ng sistemang bulok
ng mga haciendero't PANOT

lupang minana
sa ninuno nating sinisinta
ngayo'y ubos na
inubos na parang kanin ng mga ikapitalista

bumangon na sa pagakagupiling
masang api, ika'y makidigmang lubos
at kapag napagtagumpayan ang digma
lipunan nati'y tiyak na lalaya!

MASSES WITHIN | by comrade angelo madarang

in the heart of the masses
lies an act of nationalism
and dialectical materialism
that clings a bio ethnical mind

within the masses
they where quenching and raising their fists
unto the minds of the children
that they've didn't know what they've doing

the chains of sorrow
is carrying their conscience
and consciousness within
breaking the chains into pieces

imperialistic minds
that can be bunged
and can be eligible change
by striving for the true freedom!

ORAS NA! | ka emil makabuluhan

baya'y nakatali sa tanikala ng kahapon
na kailangang lagutin ng bayan
upang ika'y tumayo sa pagkatugatog
sa masa mong iniirog

Oras na, O bayan, kumilos na
tahakin mo ang tunay na landas
ng mga proletaryado't makabayan
upang ang bayan ay manalo sa tuwina

sa pagkasubasob ng isipan mo
kailanagan mo itong itndig hanggang sa dulo
upang ang tanikala'y malagot
sa pagkakahawak ng mga nanghihimasok

rebolusyon ang kailangan
upang ang masa ay magwagi ngayon
bukas, pagpula ng silangan
ay may uusbong na kalayaan sa bayan!!